FDA nagbabala sa ‘di rehistradong katol, pesticide

FDA nagbabala sa ‘di rehistradong katol, pesticide

November 13, 2022 @ 1:14 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa pagbili at pagbebenta ng hindi rehistradong household/urban pesticide (HUP) product.

Sa inilabas na FDA Advisory na pirmado ni Director General Dr. Samuel A. Zacate, sinabi ng ahensya na ang “Cobra Katol King size (scented coil)” natuklasan sa kanilang postmarketing surveillance na walang certificate of product registration o CPR.

Ang ‘katol’ ay Ilan lamang sa mga pesticides na ginagamit upang mapuksa ang mga lamok lalo na ngayong tumataas muli ang kaso ng dengue sa bansa.

Alinsunod sa Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, importasyon, exportation, sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising o sponsorship ng anumang health product na walang tamang otorisasyon mula sa FDA ay mahigpit na ipinagbabawal.

Sinabi ng FDA na walang katiyakan sa kaligtasan, kalidad at efficacy ang nasabing produkto dahil hindi ito dumaan sa registration process ng FDA.

“Potential hazards may come from harmful, toxic and banned active ingredients that pose imminent danger to human and animal health'” ayon sa ahensya.

Dagdag pa na ang paggamit ng substandard at posibleng adulterated household/urban pesticide products ay magdudulot ng adverse reactions tulad ng skin irritation, itchiness, anaphylactic shock, respiratory disorders, endocrine implications, brain damage at organ failure.

Pinayuhan ang publiko na huwag tangkilikin ang naturang produkto at laging suriin sa FDA ang mga produkto kung ito ay rehistrado. Jocelyn Tabangcura-Domenden