FDA nagbabala vs ‘di aprubadong skim milk powder

FDA nagbabala vs ‘di aprubadong skim milk powder

July 11, 2020 @ 9:12 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ibinabala ng Food and Drug Adminstration (FDA) ang pagbili ng hindi aprubadong skim milk powder sa bansa.

Ito ay kasunod ng paglabas ng isang pag-aaral sa University of the Philippines na batay sa 27 skim milk powder na mabibili sa bansa, isa lamang ang tunay na skim milk powder.

Anila, mataas ang fat content ng iba sa mga ito o kaya naman ay hindi tukoy ang pinanggalingan.

“Pag sinabing skim, mababa ang fat, merong corresponding percentage ng fat. Pag sinabi mong milk, ang importanteng property dyan ay protina, so may corresponding amount ng protein dapat,” ayon kay Dr. Lotis Francisco ng UP Department of Food Science and Nutrition.

“Iisa lang po dun sa aming 27 samples ang merong declaration ng nutrition facts so masasabi ko eh talagang gatas ito, mataas ang protina nya, low fat talaga sya, kasi yung fat nya ay mababa. Pero yung iba ay wala po,” dagdag pa nito.

Sa panig naman ng Food and Drug Administration, napag-alaman din nitong mayroong tatlong brand ng skim milk powder na ibinebenta ngunit hindi tunay na skim milk powder.

“‘Yung Dairy Bake, registered sila sa FDA pero registered sila as raw materials, not as milk products na dapat na ibenta na gagamitin as milk. So hindi sila registered for that, raw material sila naka-register. ‘Yung La Crema skimmed powdered milk enhancer, saka blend skimmed milk blend, na talagang hindi talaga skimmed milk powder, based pa lang dun sa product name,” saad ni FDA Director-General Eric Domingo.

“Ang gagawin ng FDA maglalabas tayo ng advisory at itong mga produkto na hindi sumusunod sa ating mga panuntunan saka requirements, we will have to confiscate them. At ah papaalalahanan natin syempre ang publiko na hindi ito dapat for consumption,” ayon pa kay Domingo.

Hinahanda na rin ng tanggapan ang susunod pang mga hakbang upang maproteksyunan ang mga Filipino laban sa pagkalat ng mga “huwad” na skim milk powder. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...