FDA nagbabala vs ‘di rehistradong condom 



FDA nagbabala vs ‘di rehistradong condom 

June 9, 2021 @ 2:20 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration o FDA sa publiko kaugnay sa mga hindi rehistradong contraceptive partikular ang condom.

 

Ayon sa FDA, hindi rehistrado ang pitong brand ng condom kaya pinag-iingat ang publiko sa pagbili o paggamit nito.

 

Dagdag pa ng FDA, hindi dumaan sa evaluation process ang mga sumusunod:

Okamoto® Skinless Skin (Blue And and White Box In Foreign Characters)

Okamoto® Zero One (Foreign Characters)

Nox™ Not Only Sex (Foreign Characters)

Durex® Fetherlite Feel (Foreign Characters)

Durex® Pleasuremax (Foreign Characters)

Durex® Love Sex Hug Close (Foreign Characters)

Durex® Love Sex Jeans (Foreign Characters)

“Since these unregistered medical device products have not gone through evaluation process of the FDA, the agency cannot assure its quality and safety,” ayon pa sa FDA.

Pinatitigil din ng FDA ang mga establisimyento sa pagbebenta, advertise ng condom hanggat wala itong  Product Registration Certificates kundi istriktong ipapataw ang regulatory action at sanctions laban sa kanila.

Hinikayat din ng FDA ang mga otoridad at local government agencies na tiyaking ang produkto ay hindi naibebenta sa kanilang nasasakupan agad magsumbong sa Bureau of Customs. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •