FDA nagbabala vs fake COVID-19 test kits

FDA nagbabala vs fake COVID-19 test kits

August 1, 2020 @ 2:43 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drugs Administration sa publiko hinggil sa mga kumakalat na pekeng coronavirus disease 2019 o COVID-19 test kits.

Kabilang sa mga ito ang may tatak na Wondfu 2019 at N-Co-Vi.

Base sa post marketing survellaince ng FDA, natuklasan na ang nasabing medical device o test kits ay hindi sertipikado ng ahensya.

Nangangahulugan lamang na hindi ito dumaan sa proseso ng pagsusuri dahil wala itong FDA special certification.

Babala ng FDA, hindi ito nakasisiguro sa kalidad ng produkto at kaligtasan ng mg gagamit sa nasabing test kit.

Una na ring sinabi ni FDA Director Manager Usec Eric Domingo na huwag tatangkilikin ang mga produkto lalo na kapag foreign character ang nasa label dahil ito ay maaring makaapekto sa kalusogan o may masamang maidudulot ito sa katawan ng isang tao. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Comment (1)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...