FDA nagbabala vs. pagbili ng ‘misbranded’ face masks

FDA nagbabala vs. pagbili ng ‘misbranded’ face masks

August 6, 2020 @ 2:47 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa healthcare professionals at publiko laban sa pagbili at paggamit ng misbranded face mask products.

Batay kay FDA Director General and Health Undersecretary Eric Domingo, tanging English at Filipino lamang na lenggwahe ang maaaring gamitin sa labeling.

“Bawal sa Pilipinas ang branding na hindi English or Filipino,” aniya.

Sa kalatas, pinangalanan ng FDA ang misbranded face masks na:

Misbranded Fu Le Bang Disposable Mask

Misbaranded Flag World Face Mask

Sa ilalim ng FDA Act of 2009, kinokonsidera ang isang bagay kung mayroong salita o pahayag na hindi naiintindihan ng consumers kung paano ito sinulat.

Samantala, kinalampag din ng FDA ang Bureau of Customs sa pagpapasok ng mga naturang produkto. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...