FDA: Pfizer may 90.7% efficacy rate vs COVID sa edad 5-11

FDA: Pfizer may 90.7% efficacy rate vs COVID sa edad 5-11

December 14, 2021 @ 8:05 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na mayroong mataas naefficacy rate o bisa ang Pfizer vaccine para sa mga kabataan na nasa edad 5 hanggang 11.

Sabi ni FDA Director General Eric Domingo na umabot ang efficacy rate ng Pfizer sa nasabing age group ng 90.7%.

Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawang pag-aaral ng vaccine expert panel ukol sa kung ilang linggo ang pagitan ng 1st at 2nd dose ng gagawing pagtuturok ng pfizer vaccine para sa mga menor de edad.

Kung pagbabatayan aniya ang ibang bansa, gaya ng Estados Unidos, Europa at Canada, aabot sa tatlo hanggang apat na linggo ang kailangang palipasin bago maiturok ang 2nd dose, habang nasa walong linggo naman ang pagitan sa bansang Australia.

Sinabi pa ni Domingo ang tinututukan ngayon ang isinasagawang clinical study ng expert panel.

Kapwa naman aniya ang active ingredient ng pfizer vaccines sa mga batang nasa edad na lima hanggang labing isang taong gulang, ngunit nilinaw ni Domingo na mas kakaunti ang doses na ibinibigay sa mga bata.

Wala namang naitalang malalang adverse effect sa mga isinagawang clinical trial sa ibang bansa ani Domingo, bagkus mild lamang gaya ng sa ibang vaccine.

Masusi namang sinusuri sakaling magsimula na ang pagbabakuna sa mga 5  hanggang 11 anyos gamit ang Pfizer vaccine.

Matatandaang nagsumite na ang vaccine manufacturer ng Emergency Use Authorization application sa FDA para mabakunahan ang nasabing age group. Kris Jose