FDA wala pang tugon sa EUA application ng DOH sa Sinopharm

FDA wala pang tugon sa EUA application ng DOH sa Sinopharm

May 31, 2021 @ 4:24 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Wala pang inilabas na  emergency use authorization (EUA) ang Food and Drug Administration (FDA) para sa Sinopharm.

Ayon ito kay Health Usec maria Rosario vergeire sa virtual media forum ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni Vergeire na nakapagsumite na sila ng aplikasyon, intent to apply at hinihintay pa ang tugon ng FDA hinggil dito.

“ We already submitted  our application, our intent ot apply  and we are  waiting FDA to response it”, ani Vergeire.

Maalala na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na karamaihan sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ay naturokan na ng Sinopharm vaccine ng China bagamat wala pa itong aprubadong EUA mula sa FDA.

Ilang mga personalidad din ang umamin na naturokan din ng Sinopharm vaccine tulad ni Mon Tulfo.

Sinasabing 72.8% epektibo ang nasabing bakuna  laban sa sasdymptomatic COVID-19, dalawang linggo matapos ang pangalawang shot base sa interim results base sa pag-aaral na inilathala ng Journal of the American Medical Association . Jocelyn Tabangcura-Domenden