FDCP, magbibigay ng parangal sa pelikulang nagwagi sa International arena!



FDCP, magbibigay ng parangal sa pelikulang nagwagi sa International arena!

February 21, 2021 @ 1:39 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa gitna ng pandemic ay hindi tumitigil ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pamumuno ni Chairman Liza Dino, sa pagbibigay ng suporta sa film industry.

Fact is, isa ang FDCP sa mga ahensyang nagsulong na buksan ang mga sinehan sa National Capital Region (NCR) na inaasahang mangyayari sa pagpasok ng buwan ng March.

“We really want to help the movie industry by opening the cinemas especially in Metro Manila but at the end of the day, ang IATF pa rin talaga ang magbibigay ng final decision,” sabi ni Chair Liza.

Dapat sanay ay noong February 15 nagbukas ang mga sinehan sa Metro Manila pero dahil sa apela ng karamihan sa nga mayors ay na-delay ang naunang plano.

Nagpasalamat naman si Chair Liza lalo na sa mga filmmakers and actors na nakapaguwi ng international victories at nagbigay ng pride and honor sa ating bansa.

With this regard, in support of the National Arts Month, pangungunahan ng FDCP ang 5th Film Ambassadors’ Night (FAN) on February 28 and it will be streamed exclusively on FDCP Channel.

“Through Film Ambassadors’ Night (FAN), e, mabibigyan natin ng appreciation ang mga film producers na nagbigay ng karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng internationally acclaimed and award winning films na ipinakita natin sa buong mundo,” dagdag pa ni Chair Liza.

Isa ang peikulang “Latay (Battered Husband)” ng BG Films International sa mabibigyan ng recognition under feature films category.

Ang “Latay” ay pinagbibidahan ni Allen Dizon under the direction of Ralston Jover. Ang nasabing pelikula ay nagwagi ng Gold Award sa 2nd Wallachia International Film Festival, Romania at ng Jury Award, Best Narrative Global sa International Film Festival Manhattan, sa USA.

Sa mga gustong manood ng FAN for free, just create an account on FDCP Channel. Joey Sarmiento


  •  
  •  
  •