Federal draft constitution ni SGMA, inupakan ni Hontiveros

Federal draft constitution ni SGMA, inupakan ni Hontiveros

October 9, 2018 @ 2:55 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pinalagan at inupakan ni Senador Risa Hontiveros ang draft Constitution ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na inaalis ang kapangyarihan ng Bise Presidente sa line of succession at inilagay sa Senate President.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros, sa lahat ng presidential line of succession, ang bise president ang kikilos kapalit ng presidente kapag namatay, nagbitiw at wala nang kakayahan ang presidente.

Si Arroyo ang pumalit na presidente noong 2002 nang pinatalsik ng People Power 2 si dating Pangulo, ngayon Manila Mayor Joseph Estrada.

“Katunayan, itinakda ng Section 8, Article VII ng 1987 Constitution na inilalagay ang Bise President sa line of succession kasunod ng Senate President at Speaker of  the House of Representatives.

Base sa draft constitution ni Arroyo, inalis dito ang kapangyarihan ng Bise Presidente na pumalit o humalili sa pangulo kapag ito ay namayapa, nagkasakit, o wala nang kakayahan. Inalis din ni Arroyo ang term limits ng mga kinatawan sa Kongreso.

“Hence, the House committee draft federal charter, which skips over Vice President Leni Robredo as President Rodrigo Duterte’s successor during the transition period to a federalism in the event of incapacity, is not only absurd and unjustifiable, it is also a colossal, shameless affront to long-established, recognized and practiced democratic processes,” ayon kay Hontiveros.

Aniya, “sa halip na maglaan ng kaukulang panahon na pagdebatehan at tugunan ang pinakamahalaga at mahirap na pangangailangan upang maging matagumpay ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan tungo sa Pederalismo tulad ng pagwasak sa political dynasties, pagbubuwag sa private armies at magtayo ng katatagang pinansiyal, abala sila na buwagin ang constitutional line of succession.”

“Pinatutunayan lamang nito na ang Pederalismo ni Pangulong Duterte ay manloloko at walang ibang intensiyon kundi palawigin ang kanilang kapit sa poder,” giit ni Hontiveros.

“I am confident that the majority of my fellow senators, including Senate President Vicente “Tito” Sotto, will not support such a brazen move and will see it for what it is: an attempt not just to coopt, but to weaponize, the senate in aid of their agenda. It must not see the light of day in the Senate,” aniya. Ernie Reyes