Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Tue, 03 Nov 2026 10:08:03 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.4 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png Remate Online https://remate.ph 32 32 Lalaki, patay matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa Cavite https://remate.ph/lalaki-patay-matapos-pagbabarilin-habang-nakikipag-inuman-sa-cavite/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lalaki-patay-matapos-pagbabarilin-habang-nakikipag-inuman-sa-cavite https://remate.ph/lalaki-patay-matapos-pagbabarilin-habang-nakikipag-inuman-sa-cavite/#respond Tue, 03 Nov 2026 11:21:44 +0000 https://remate.ph/?p=763505 CAVITE, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa loob ng isang garahe sa East West Road, Barangay Liit, Silang, Cavite. Kinilala ang biktima sa alyas na Jayson, nasa hustong gulang, na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Batay sa imbestigasyon, nakasuot ng bonnet ang suspek at armado ng […]

The post Lalaki, patay matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa Cavite first appeared on Remate Online.

]]>
CAVITE, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa loob ng isang garahe sa East West Road, Barangay Liit, Silang, Cavite.

Kinilala ang biktima sa alyas na Jayson, nasa hustong gulang, na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa imbestigasyon, nakasuot ng bonnet ang suspek at armado ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril.

Ayon sa bayaw ng biktima, bandang alas-8:30 ng gabi habang nag-iinuman sila kasama ang ilang kaibigan ay dumating ang suspek at sunod-sunod na pinagbabaril si Jayson, na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek sakay ng hindi naplakahang sasakyan.

Patuloy na sinusuri ng pulisya ang mga CCTV footage upang matukoy ang dinaanan ng suspek. Inaalam din ng mga awtoridad ang motibo sa krimen. MARGIE BAUTISTA

The post Lalaki, patay matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa Cavite first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/lalaki-patay-matapos-pagbabarilin-habang-nakikipag-inuman-sa-cavite/feed/ 0
DOH, nagbabala vs pagdepende lamang sa water devices para sa ligtas na inuming tubig https://remate.ph/doh-nagbabala-vs-pagdepende-lamang-sa-water-devices-para-sa-ligtas-na-inuming-tubig/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-nagbabala-vs-pagdepende-lamang-sa-water-devices-para-sa-ligtas-na-inuming-tubig https://remate.ph/doh-nagbabala-vs-pagdepende-lamang-sa-water-devices-para-sa-ligtas-na-inuming-tubig/#respond Tue, 03 Nov 2026 11:10:36 +0000 https://remate.ph/?p=763504 MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagdepende lamang sa water devices upang matiyak na ligtas ang inuming tubig sa gitna ng banta ng super El Niño. Inirekomenda ng DOH na salain at iproseso muna ang maruming tubig na may halong putik upang maiwasan ang pagbabara ng filtration system […]

The post DOH, nagbabala vs pagdepende lamang sa water devices para sa ligtas na inuming tubig first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagdepende lamang sa water devices upang matiyak na ligtas ang inuming tubig sa gitna ng banta ng super El Niño.

Inirekomenda ng DOH na salain at iproseso muna ang maruming tubig na may halong putik upang maiwasan ang pagbabara ng filtration system at matiyak ang pagiging epektibo nito.

Ayon sa DOH, maaaring magsagawa ng paunang paglilinis kung mataas ang kontaminasyon ng tubig o may halong debris at iba pang dumi.

Ipinaliwanag din ng ahensya na nakadepende sa laki ng butas ng filter ang kakayahan nitong sumala ng dumi. Halimbawa, hindi kayang salain ng 0.1-micron filter ang mga partikulong mas maliit pa rito.

Pinayuhan din ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang local health offices para sa tamang paggamit ng chlorine tablets at tiyaking rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga ginagamit na water filter.

Maaaring tiyakin ang rehistro ng mga produkto sa https://verification.fda.gov.ph. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post DOH, nagbabala vs pagdepende lamang sa water devices para sa ligtas na inuming tubig first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/doh-nagbabala-vs-pagdepende-lamang-sa-water-devices-para-sa-ligtas-na-inuming-tubig/feed/ 0
Fetus natagpuan sa shoebox sa Kyusi https://remate.ph/fetus-natagpuan-sa-shoebox-sa-kyusi/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=fetus-natagpuan-sa-shoebox-sa-kyusi https://remate.ph/fetus-natagpuan-sa-shoebox-sa-kyusi/#respond Tue, 03 Nov 2026 10:59:23 +0000 https://remate.ph/?p=763493 QUEZON CITY, Philippines – Natagpuan ang isang fetus na nakabalot sa papel at inilagay sa isang shoebox na nabalutan ng plastik sa tambak ng basura sa Regalado Highway, Barangay North Fairview, bago mag-alas-3:30 ng hapon noong Linggo, Nobyembre 1. Ayon kay Barangay Councilor Jayve Frech Marigondon, isang lalaking nangangalakal ng basura ang nakadiskubre sa fetus […]

The post Fetus natagpuan sa shoebox sa Kyusi first appeared on Remate Online.

]]>
QUEZON CITY, Philippines – Natagpuan ang isang fetus na nakabalot sa papel at inilagay sa isang shoebox na nabalutan ng plastik sa tambak ng basura sa Regalado Highway, Barangay North Fairview, bago mag-alas-3:30 ng hapon noong Linggo, Nobyembre 1.

Ayon kay Barangay Councilor Jayve Frech Marigondon, isang lalaking nangangalakal ng basura ang nakadiskubre sa fetus habang naghahalungkat sa mga basurang nakatambak malapit sa isang poste.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV), nakita ang lalaki na humihingi ng tulong sa isang residente matapos makita ang fetus. Iniulat naman ng residente ang insidente sa mga opisyal ng barangay.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng barangay at nakipag-ugnayan sa Quezon City Police District (QCPD) Station 5.

Ayon kay Marigondon, babae ang fetus at sapat na ang laki nito upang buhatin gamit ang dalawang kamay. Nakadikit pa umano ang pusod nito nang matagpuan.

Sa pagsusuri sa CCTV footage, nakita ang ilang mangangalakal na huminto sa lugar bago nadiskubre ang fetus. Gayunman, hindi pa natutukoy ng mga awtoridad kung sino ang nag-iwan nito.

Sinusuri na ng pulisya ang mga CCTV footage mula sa mga kalapit na establisimyento at nagsasagawa ng backtracking operation upang matukoy ang responsable sa insidente. RNT/MDS

The post Fetus natagpuan sa shoebox sa Kyusi first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/fetus-natagpuan-sa-shoebox-sa-kyusi/feed/ 0
Pinaghihinalaang gunrunner, sugatan sa shootout sa buy-bust ops sa North Cotabato https://remate.ph/pinaghihinalaang-gunrunner-sugatan-sa-shootout-sa-buy-bust-ops-sa-north-cotabato/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinaghihinalaang-gunrunner-sugatan-sa-shootout-sa-buy-bust-ops-sa-north-cotabato https://remate.ph/pinaghihinalaang-gunrunner-sugatan-sa-shootout-sa-buy-bust-ops-sa-north-cotabato/#respond Tue, 03 Nov 2026 10:48:16 +0000 https://remate.ph/?p=763492 KABACAN, North Cotabato, Philippines – Sugatan ang isang hinihinalang gunrunner matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Kabacan, North Cotabato nitong Martes. Isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), katuwang ang Kabacan Municipal Police Station, ang operasyon sa national highway sa Barangay Kayaga bandang alas-8:45 ng umaga. Ayon kay […]

The post Pinaghihinalaang gunrunner, sugatan sa shootout sa buy-bust ops sa North Cotabato first appeared on Remate Online.

]]>
KABACAN, North Cotabato, Philippines – Sugatan ang isang hinihinalang gunrunner matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Kabacan, North Cotabato nitong Martes.

Isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), katuwang ang Kabacan Municipal Police Station, ang operasyon sa national highway sa Barangay Kayaga bandang alas-8:45 ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. April Lou Palma, hepe ng Kabacan police, target ng operasyon ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa ilegal na bentahan ng mga baril.

Una nang pumayag ang mga suspek na ibigay ang isang rifle sa isang lugar sa national highway sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur, ngunit kalaunan ay inilipat ang tagpuan sa Barangay Kayaga sa Kabacan.

Nakatakda sanang ibigay ng mga suspek ang rifle at tanggapin ang pera mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer. Gayunman, naghinala ang isa sa kanila na mga pulis ang kanilang kausap.

Nagpaputok umano si alias “Datu,” 25-anyos na magsasaka at residente ng Barangay Magatos, Kabacan, kaya gumanti ang mga operatiba bilang pagtatanggol sa sarili. Tinamaan ang suspek at agad dinala sa pinakamalapit na ospital para gamutin.

Samantala, kusang sumuko sa mga operatiba ang isa pang suspek na si alias “Alle,” isang magsasaka at residente ng Barangay Kayaga.

Nakumpiska sa operasyon ang isang hindi rehistradong 5.56mm na baril na walang serial number, isang .45 caliber pistol at mga bala nito, 99 piraso ng boodle money, isang tunay na P1,000 bill na ginamit bilang marked money, at isang berdeng Suzuki Wagon R.

Natuklasan din ng pulisya na may nakabinbing arrest warrant si alias Datu dahil sa kasong destructive arson, multiple attempted murder at paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Naghahanda na ang CIDG ng mga kaso laban sa mga suspek dahil sa umano’y paglabag sa Section 32 ng Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nasa detention facility na ng Kabacan Municipal Police Station ang sumukong suspek, habang nananatili sa ospital ang sugatang suspek sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng pulisya. RNT/MDS

The post Pinaghihinalaang gunrunner, sugatan sa shootout sa buy-bust ops sa North Cotabato first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pinaghihinalaang-gunrunner-sugatan-sa-shootout-sa-buy-bust-ops-sa-north-cotabato/feed/ 0
Bata sa NY, nasawi sa tigdas https://remate.ph/bata-sa-ny-nasawi-sa-tigdas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bata-sa-ny-nasawi-sa-tigdas https://remate.ph/bata-sa-ny-nasawi-sa-tigdas/#respond Tue, 03 Nov 2026 10:37:00 +0000 https://remate.ph/?p=763490 NEW YORK, USA – Nasawi ang isang bata sa New York matapos mahawa ng tigdas, ang unang pagkamatay na may kaugnayan sa sakit sa estado sa loob ng 30 taon, ayon sa mga awtoridad noong Lunes. Ayon sa mga opisyal ng kalusugan ng county at estado, nasawi ang bata sa Lewis County sa hilagang bahagi […]

The post Bata sa NY, nasawi sa tigdas first appeared on Remate Online.

]]>
NEW YORK, USA – Nasawi ang isang bata sa New York matapos mahawa ng tigdas, ang unang pagkamatay na may kaugnayan sa sakit sa estado sa loob ng 30 taon, ayon sa mga awtoridad noong Lunes.

Ayon sa mga opisyal ng kalusugan ng county at estado, nasawi ang bata sa Lewis County sa hilagang bahagi ng New York.

“I am heartbroken to learn that a child in Lewis County has died after contracting measles,” pahayag ni New York Governor Kathy Hochul.

“As a mother and grandmother, I cannot imagine what this family is going through,” dagdag niya.

Iniugnay rin ni Hochul ang pagkamatay sa mga polisiya sa kalusugan ng administrasyong Trump. Aniya, isa itong “a devastating reminder of what’s at stake when Washington deliberately erodes decades of progress in protecting Americans from preventable illnesses.”

Nararanasan ngayon ng United States ang pinakamalalang measles outbreak sa loob ng 35 taon. Pagsapit ng Oktubre 29, umabot na sa 4,834 ang naitalang kaso sa 47 estado, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Noong Oktubre, nagdeklara si Hochul ng disaster emergency sa New York kasunod ng mga outbreak sa estado at mga karatig-lugar.

Idineklarang eradicated ang tigdas sa United States noong 2000 matapos ang ilang taong matagumpay na kampanya sa pagbabakuna. Gayunman, muling dumarami ang kaso nitong mga nakaraang taon kasabay ng pagtaas ng pagdududa sa bakuna at kawalan ng tiwala sa mga awtoridad pangkalusugan.

Nagdudulot ang tigdas ng lagnat, sintomas sa paghinga at masakit na mga pantal sa balat. Sa malulubhang kaso, maaari itong humantong sa pulmonya at pamamaga ng utak na posibleng ikamatay.

Patuloy na kumikitil ng sampu-sampung libong buhay sa buong mundo ang sakit bawat taon. RNT/MDS

The post Bata sa NY, nasawi sa tigdas first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/bata-sa-ny-nasawi-sa-tigdas/feed/ 0
Animal welfare groups, humingi ng hustisya sa NBI kaugnay ng pagtatapon ng mga namayapang alagang hayop sa Bulacan https://remate.ph/animal-welfare-groups-humingi-ng-hustisya-sa-nbi-kaugnay-ng-pagtatapon-ng-mga-namayapang-alagang-hayop-sa-bulacan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=animal-welfare-groups-humingi-ng-hustisya-sa-nbi-kaugnay-ng-pagtatapon-ng-mga-namayapang-alagang-hayop-sa-bulacan https://remate.ph/animal-welfare-groups-humingi-ng-hustisya-sa-nbi-kaugnay-ng-pagtatapon-ng-mga-namayapang-alagang-hayop-sa-bulacan/#respond Tue, 03 Nov 2026 10:26:54 +0000 https://remate.ph/?p=763489 MANILA, Philippines – Nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ang mga animal welfare organization upang humingi ng hustisya kaugnay ng umano’y pagtatapon ng mga patay na aso at pusa ng Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium. Ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), kasama nito sa pagpunta sa NBI headquarters ang ilang pet […]

The post Animal welfare groups, humingi ng hustisya sa NBI kaugnay ng pagtatapon ng mga namayapang alagang hayop sa Bulacan first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ang mga animal welfare organization upang humingi ng hustisya kaugnay ng umano’y pagtatapon ng mga patay na aso at pusa ng Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium.

Ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), kasama nito sa pagpunta sa NBI headquarters ang ilang pet owners na pangunahing complainant sa kaso at mga kinatawan ng Animal Kingdom Foundation (AKF).

“Paws is currently at the National Bureau of Investigation Headquarters, coordinating with the Environmental Crime Division,” pahayag ng organisasyon.

Naganap ang pagpunta ng grupo matapos ipahayag ng NBI na magsasagawa ito ng masusing imbestigasyon sa mga insidenteng kinasasangkutan ng Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor City, Cavite.

Nagsimula ang imbestigasyon matapos madiskubre ang 29 na bangkay ng mga aso at pusa na umano’y itinapon sa isang bakanteng lote sa San Jose del Monte, Bulacan. RNT/MDS

The post Animal welfare groups, humingi ng hustisya sa NBI kaugnay ng pagtatapon ng mga namayapang alagang hayop sa Bulacan first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/animal-welfare-groups-humingi-ng-hustisya-sa-nbi-kaugnay-ng-pagtatapon-ng-mga-namayapang-alagang-hayop-sa-bulacan/feed/ 0
34 pasahero sa nasiraang bangka sa Palawan sinagip ng PCG https://remate.ph/34-pasahero-sa-nasiraang-bangka-sa-palawan-sinagip-ng-pcg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=34-pasahero-sa-nasiraang-bangka-sa-palawan-sinagip-ng-pcg https://remate.ph/34-pasahero-sa-nasiraang-bangka-sa-palawan-sinagip-ng-pcg/#respond Tue, 03 Nov 2026 10:15:46 +0000 https://remate.ph/?p=763488 PALAWAN, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 34 katao matapos masiraan ng makina ang sinasakyan nilang motorized banca sa Taytay Bay, Palawan noong Lunes. Sakay ng MBCA Kin J-Mar ang mga pasahero at patungo sana sa Barangay Casian sa Taytay upang dalawin ang puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay. Nakatanggap […]

The post 34 pasahero sa nasiraang bangka sa Palawan sinagip ng PCG first appeared on Remate Online.

]]>
PALAWAN, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 34 katao matapos masiraan ng makina ang sinasakyan nilang motorized banca sa Taytay Bay, Palawan noong Lunes.

Sakay ng MBCA Kin J-Mar ang mga pasahero at patungo sana sa Barangay Casian sa Taytay upang dalawin ang puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Nakatanggap ng distress call ang Coast Guard Sub-Station Taytay mula sa isang concerned citizen bandang alas-3:30 ng hapon kaya agad silang nagpadala ng search and rescue team.

Natagpuan ng mga rescuer ang bangka bandang alas-4 ng hapon, may 3.7 nautical miles mula sa Port of Taytay, at agad nagsagawa ng towing operations.

Ligtas na naihatid sa Port of Taytay ang bangka at lahat ng 34 na sakay nito bandang alas-4:30 ng hapon, ayon sa PCG. RNT/MDS

The post 34 pasahero sa nasiraang bangka sa Palawan sinagip ng PCG first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/34-pasahero-sa-nasiraang-bangka-sa-palawan-sinagip-ng-pcg/feed/ 0
50-anyos wanted sa panggagahasa sa menor sa Malabon, huli https://remate.ph/50-anyos-wanted-sa-panggagahasa-sa-menor-sa-malabon-huli/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=50-anyos-wanted-sa-panggagahasa-sa-menor-sa-malabon-huli https://remate.ph/50-anyos-wanted-sa-panggagahasa-sa-menor-sa-malabon-huli/#respond Tue, 03 Nov 2026 10:08:03 +0000 https://remate.ph/?p=763514 MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang 50-anyos na tricycle driver na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad sa Lungsod ng Malabon nang makorner ng pulisya sa loob ng isang sementeryo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon […]

The post 50-anyos wanted sa panggagahasa sa menor sa Malabon, huli first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang 50-anyos na tricycle driver na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad sa Lungsod ng Malabon nang makorner ng pulisya sa loob ng isang sementeryo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na dumalaw sa kanyang yumaong kamag-anak ang 50-anyos na akusado sa Sangandaan Public Cemetery sa Brgy., 4.

Kaagad ikinasa ng mga operatiba ng Caloocan Police Warrant and Subpoena Section ang operation hanggang tuluyang masukol ang akusado sa nasabing sementeryo ala-1:30 ng hapon.

Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape na inisyu ng Presiding Judge ng Family Court, Branch 4, Malabon City, noong October 28, 2026, na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Caloocan Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya City Jail. (Merly Duero)

The post 50-anyos wanted sa panggagahasa sa menor sa Malabon, huli first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/50-anyos-wanted-sa-panggagahasa-sa-menor-sa-malabon-huli/feed/ 0
DA, susuriin, itatama mga pagkakamali sa datos ng mga farm-to-market road https://remate.ph/da-susuriin-itatama-mga-pagkakamali-sa-datos-ng-mga-farm-to-market-road/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=da-susuriin-itatama-mga-pagkakamali-sa-datos-ng-mga-farm-to-market-road https://remate.ph/da-susuriin-itatama-mga-pagkakamali-sa-datos-ng-mga-farm-to-market-road/#respond Tue, 03 Nov 2026 10:07:11 +0000 https://remate.ph/?p=763513 MANILA, Philippines – Pinaigting ng Department of Agriculture (DA) ang pagsusuri sa mga teknikal na detalye ng mga proyekto matapos matukoy ang mga pagkakamali sa impormasyon ng ilang panukalang farm-to-market road (FMR), kabilang ang kanilang coordinates. Iniutos ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang masusing pagsusuri sa mga detalye ng proyekto, mga kalakip […]

The post DA, susuriin, itatama mga pagkakamali sa datos ng mga farm-to-market road first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Pinaigting ng Department of Agriculture (DA) ang pagsusuri sa mga teknikal na detalye ng mga proyekto matapos matukoy ang mga pagkakamali sa impormasyon ng ilang panukalang farm-to-market road (FMR), kabilang ang kanilang coordinates.

Iniutos ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang masusing pagsusuri sa mga detalye ng proyekto, mga kalakip na dokumento at proseso ng validation upang matiyak na tama, kumpleto at napapatunayan ang mga impormasyong isinusumite ng ahensya.

Nakita ng mga civil society group na People’s Budget Coalition, BetterGov.ph at BistoProyekto ang hindi pagtutugma ng ilang coordinates ng mga FMR na isinumite ng DA sa pagdinig ng Senado tungkol sa panukalang badyet ng ahensya para sa 2027.

Sa paunang pagsusuri, lumitaw na nagmula sa mga pagkakamali sa pag-encode at pagta-type ang mga pagkakaiba. Gayunman, sinabi ng DA na pananagutan nito ang anumang maling impormasyong nagmula sa ahensya at itatama ang mga ito.

Matapos ang pagdinig, nakipagpulong si Undersecretary for Infrastructure and Agro-Marine Logistics Arrey A. Perez, sa utos ni Tiu Laurel, kina Kenneth Abante ng People’s Budget Coalition at Dondon Parafina ng BistoProyekto.ph, kasama si Bureau of Agriculture and Fisheries Engineering Director Cristy P. Pilido, upang talakayin ang mga natukoy na pagkakamali.

Sa pulong, napag-alamang walo lamang sa kabuuang 1,669 na talaan, o wala pang isang porsiyento, ang may hindi tugmang coordinates. Dahil dito, hindi tumutugma ang mga ito sa nilalayong lokasyon ng mga proyekto. Sa masusing pagsusuri, nakita na isa o dalawang numero lamang sa coordinates ang maling na-type.

Nagkasundo ang DA at mga civil society group na magsagawa ng internal review, cross review at independent review ng mga third party upang masuri ang paghahanda, pagberipika at pagsusumite ng mga dokumento. Layunin din nitong matukoy ang mga kakulangan sa proseso at magpatupad ng mas mahigpit na internal controls.

Administratibo ang pagsusuri at nakatuon sa pagpapabuti ng mga sistema at pananagutan ng ahensya.

Hiniling din ng DA sa mga civil society group na magsagawa ng independiyenteng pagsusuri sa coordinates ng mga FMR project na naiulat na may pagkakamali.

“Sinusuri namin ang mga datos at nakikipagtulungan kami sa mga civil society group upang matiyak na tama at verifiable ang mga teknikal na detalye,” ani Tiu Laurel.

“Kung may mga pagkakamali sa mga teknikal na detalye, typographical man o iba pang dahilan, pananagutan namin ito at itatama. Dapat mapunta ang pondo ng bayan sa mga proyektong talagang pinaglaanan nito,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Tiu Laurel na nananatili sa Kongreso ang kapangyarihang konstitusyonal sa pambansang badyet, habang responsibilidad naman ng DA na tiyaking tama at mapapatunayan ang mga teknikal na impormasyong isinusumite nito. SANTI CELARIO

The post DA, susuriin, itatama mga pagkakamali sa datos ng mga farm-to-market road first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/da-susuriin-itatama-mga-pagkakamali-sa-datos-ng-mga-farm-to-market-road/feed/ 0