‘FEEDING’ NG AKRHO – KAPPA UPSILON POBLACION CHAPTER

‘FEEDING’ NG AKRHO – KAPPA UPSILON POBLACION CHAPTER

November 25, 2022 @ 1:00 AM 2 weeks ago


MATAPOS ang paghagupit ng Bagyong “Paeng” ay nagsagawa ang Alpha Kappa Rho (AKRHO/AKP) – Kappa Upsilon Poblacion Chapter ng feeding program at pamimigay candies at biscuits para sa mga bata ng Sitio Bagong Sibol sa Brgy. Poblacion Tres sa Indang, Cavite.

Ginawa ng mga Skeptron ng Indang ang proyektong pamamahagi noong Lunes , Oktubre 31, 2022 sa Multi-Purpose Hall of Poblacion Tres.

Bilang Grand Skeptron ng AKRHO – Kappa Upsilon Poblacion Chapter, batid kong ang mga taga Sitio Sibol ay laging inililikas ng aming Pamahalaang Bayan ng Indang at ng Pamahalaang Barangay ng Poblacion Tres tuwing may bagyo dahil ang komunidad nila ay nasa tagilid na lupa papuntang ilog, kaya naman matapos ang bagyo ay ang mga bata sa lugar ng Sibol ang naisip naming pakainin at bigyan ng mga candies at biscuits para na ring Trick or Treat dahil sa Halloween Day noon.

Taos-puso ang aking pasasalamat sa mga kaibigan ko na walang sawang sumusuporta sa aking mga personal na pagkalinga mula pa noong hindi pa ako miyembro ng AKRHO at magpa hanggang ngayon na ako ay AKRHO na at sa mga paparating na proyekto ng aming kapatiran. Ang mga iniabot nilang pera na pa-birthday sa akin ay ibinabahagi naman natin sa pagtulong pa rin sa iba sa pamamagitan nitong naisip kong proyekto.

Salamat din sa mga kapatid ko sa AKRHO na tumulong na sina Sis. Bernadette Viaje, Sis. Sarah Jane Alano, Bro. Angelo John Romero, Bro. Eirol Rodriguez at Bro. Joshua Agtani.

Lubos din ang aking pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Poblacion Tres sa pagharap at pagsuporta sa aming proyekto; nina Kapitan Arnel Kasaysayan, Kagawad Andrei Miranda, Secretary Kimberly Rose Leyba at Treasurer Florizel Fidel Rodavia.

Samantala, nagsagawa rin kaming mga Alpha Kappa Rho-Kappa Upsilon Poblacion Chapter nang pamimigay ng pagkain para sa merienda ng mga volunteer na pulis, army, tanod, health worker, NGO’s sa Ligtas Undas 2022 Outpost sa Indang Roman Catholic Cemetery sa Brgy. Poblacion Tres sa Indang, Cavite.