Felicity Jones, kasal na!

Felicity Jones, kasal na!

July 2, 2018 @ 6:08 PM 4 years ago


Hollywood – Sinorpresa ni The Theory of Everything star Felicity Jones ang publiko nang pasikreto silang nagpakasal ng 3-year boyfie at film director na si Charles Guard.

Kinumpirma ito mismo ng spokesperson ng 34-year-old na aktres.

Naganap ang kasal ng dalawa sa Sudeley Castle sa Cotswolds, Oxfordshire sa England.

Taong 2015 nang maging magkarelasyon ang dalawa.

Nauna na ring nakita na nakasuot ng tila engagement ring ang Star Wars: Rogue One  star sa red carpet noong June 2017 pero hindi naman nito kinumpirmang engage ito. (Remate News Team)