#FerdiePH nakalabas na ng bansa; Luzon patuloy na uulanin

#FerdiePH nakalabas na ng bansa; Luzon patuloy na uulanin

August 10, 2020 @ 12:30 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ferdie, ayon sa PAGASA.

Sa kabila nito, makararanas pa rin ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon kasabay ng hanging Habagat.

Batay sa ulat, lumabas ang nasabing bagyo kaninang alas-09:00 ng umaga kung saan huli itong namataan sa layong 265 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte dakong alas-10:00 ng umaga at patungo sa direksyon ng timong silangan ng China.

Nabatid na palalakasin pa rin ng bagyong Fredie ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, ayon sa PAGASA.

Makakaranas din ng mga pag-ulan ang Batanes, Cagayan, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, at nalalabing bahagi ng Cordillera at Central Luzon dulot pa rin ng habagat.

Pinag-iingat ang mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa patuloy na mga pag-ulan.

Samantala, wala naman nang nakikitang sama ng panahon ang PAGASA kung saan inaasahang magiging maganda na ang panahon sa mga susunod na araw. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...