Fern., naglabas ng kauna-unahang Tagalog single

Fern., naglabas ng kauna-unahang Tagalog single

July 18, 2021 @ 9:45 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines—Naglabas ng bagong single ang singer-songwriter na si Fern. na pinamagatang “Kagandahan” nitong Biyernes, Hulyo 16.

Ang kantang “Kagandahan” ay isang meditative at minimalist track na tumutukoy sa taglay na natural na kagandahan ng tao.

“It talks about how we’re often scared of losing beauty that we believe is in our possession and how this fear often robs us of enjoying the beauty while it’s right in front of us,” lahad ni Fern..

Ang awit ay orihinal na isinulat ng kanyang tatay, na muli niyang isinulat at na-produce sa tulong na rin ng Sonny Zero.

“I recorded all my vocals in my bedroom, and I think it’s because singing just hits differently when you’re alone – in my opinion, at least,” kwento niya.

Ang kantang “Kagandahan” ay na-release sa ilalim ng Island Record Philippines.

Nakilala si Fern. sa kaniyang unang awit na “Into You” taong 2017, at mula noon ay nakapaglabas ng kanyang self-titled EP.

Nakasama na ni Fern. sa industriya ang ilan pang mga kilalang mang-aawit gaya nina Julie Anne San Jose, Claudia Baretto, Kiana Valenciano, at Leila Alcasid.

Maaaring mapakinggan ang kantang “Kagandahan” sa Spotify at iba pang streaming platforms. RNT/Riza Guarin-trainee


  •  
  •  
  •