Ferolino pwedeng ma-impeach sa paglabag sa graft law sa DQ vs BBM – Guanzon

Ferolino pwedeng ma-impeach sa paglabag sa graft law sa DQ vs BBM – Guanzon

February 1, 2022 @ 4:39 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na mahaharap sa impeachment complaint si Commissioner Aimee Ferolino dahil sa paglaabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ginawa ni Guanzon ang babala sa isang interview sa telebisyon nang tanunngin tungkol sa posibilidad na maharap ito sa defamation charges sa kanyang naging akusasyon laban kay Ferolino.

“”She should be afraid of me. I might file an impeachment complaint against her for violation of Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” pahayag ni Guanzon sa panayam ng ANC.

“Do not threaten me with libel suits because I was a professor of law and a practicing lawyer for more than 25 years. You can sue me anywhere in the country,” dagdag pa ni Guanzon.

Nang tanungin ito kung may plano itong maghain ngimpeachment case laban kay Ferolino, sinagot nito ng “I can”.

Hindi pa nagbibigay ng anumang komento si Ferolino sa mga binitawang pahayag ni Guanzon.

Noong nakaraang linggo ibinunyag ni Guanzon na bumoto siya para sa diskwalipikasyon kay Marcos, isang hakbang na sinabi niyang napilitan siyang gawin dahil sa Hindi makatwirang pagkaantala sa promulgasyon ng desisyon sa Comelec First Division.

Sinisisi ni Guanzon ang pagkaantala sa umanoy mga pagsisikap na impluwensyahan si Ferolino.

Gayunpaman, inakusahan naman ni Ferolino si Guanzon na sinusubukang impluwensyahan ang desisyon sa mga kaso.

Iniuugnay naman ni Guanzon ang isang hindi pinangalanang sendor sa pagkaantala sa pagresolba ng mga petisyon laban kay Marcos.

Aniya ipapaalam na niya ang isang “person in authority” at isisiwalat niya ito sa tamang forum.

Sinabi rin nito na handa siyang tumestigo kung tatawagin siya ng mga mababatas.

Sa kabilang banda nanawagan naman si Guanzon kay Comelec Chairman Sheriff Abas na simulant at lutasin ang isyu ng pagkakantala sa pagpapalabas ng desisyon sa disqualification petitions laban kay Marcos,na binanggit na may “leadership problem” sa Comelec.

Ngayong Martes,sinabi ni Guanzon na ang pagkaantala sa pagpapalabas ng resolusyon ay sinadya din para hadlangan ang boto ni Commissioner Marlon Casquejo.

Makakasama ni ferolino si Commissioner Socorro Inting sa Fisrt Division sa February 3 o isang araw pagkatapos ng pagreretiro ni Guanzon. Jocelyn Tabangcura-Domenden