Fertilizer distribution umarangkada na sa Aurora, Isabela

Fertilizer distribution umarangkada na sa Aurora, Isabela

September 22, 2020 @ 6:18 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umarangkada na ang pamamahagi ng fertilizer sa Aurora, Isabela nitong nakalipas na Linggo sa ilalim ng Rice Resiliency Project (RRP) iniulat ng Department of Agriculture.

Ayon sa ulat ni Municipal Agriculturist Protacio Alejandro ng Department of Agriculture Regional Field Office sa kanyang terminal report, nabigyan nila ang 32 barangays na kinabibilangan ng 1,319 farmer beneficiaries.

Ang total allocation ng Aurora ay 4,421 bags.

“Kasama ng aming Punongbayan, Joseph Christian Uy, opisyales at mga mamamayan partikular ang mga magsasaka, kami ay nagpapasalamat sa DA sa programa. “Napakalaking tulong ito para maibaba ang gastos sa pagtatanim at mapataas ang kita ng ating mga magsasaka,” aniya.

Sinabi pa ni Alejandro na bagama’t naantala ang distribusyon, hindi naman ito naging problema sa kanilang mga constituent. “Ang ginawa namin ay ipinaliwanag kaagad ang sitwasyon sa mga recipient at naintindihan naman nila. Hindi masasayang ang mga abono dahil magagamit pa rin nila sa susunod na cropping season. Iimbak lang ito ng maayos at mapakikinabangan pa.”

“Ang importante ay naimplementa ang programa ayon sa layunin nito,” dagdag pa nito.

Nagpapasalamat din si Alejandro sa Esperanza Multi-Purpose Cooperative na nagsilbing Farmer Cooperative and Association (FCA) partner nila sa pagbili ng mga abono.

“Malaki ang naitulong ng kooperatiba para hindi na maabala ang mga magsasaka kung kanya-kanyang silang bili ng abono at paglakad ng reimbursement,” pagtatapos nito.

Ang bayan ng Aurora ay isang ika-3 na klaseng bayan sa lalawigan ng Isabela.

Ayon sa 2015 senso, ito ay may populasyon na 35,017 sa may 8,434 na kabahayan na kung saan mayorya ay nakadepende sa agrikultura. Santi Celario


  •  
  •  
  •  

Loading...