Fertilizer gawing abot-kaya sa magsasaka-PBBM

Fertilizer gawing abot-kaya sa magsasaka-PBBM

August 11, 2022 @ 6:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng mga plano upang gawing abot-kaya ang fertilizers para sa mga magsasaka para mapabuti ang productivity ng mga ito.

Nakipagpulong kasi ang Pangulo sa mga magsasaka sa Malacañan Palace sa Maynila, base na rin sa mga larawan na naka-upload sa Office of the President’s (OP) official Facebook page.

Nais ni Pangulong Marcos na tiyakin ng DTI na ang murang fertilizers ay magiging available para sa mga magsasaka, ayon sa OP sa kanilang Facebook post, Miyerkules ng gabi.

“President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. met with DTI to iron out plans to increase the productivity of farmers by ensuring that fertilizers can be made affordable for them,” ayon sa OP .

Sa kabilang dako, sa official Facebook account naman ni Pangulong Marcos, kinumpirma nito na nakipagpulong siya kay Trade Secretary Alfredo Pascual upang tulungan na mapagaan ang kalagayan ng mga magsasaka at i- reboot ang agriculture industry ng bansa.

“Hangad natin na maging masigla muli ang sektor ng agrikultura kaya’t nakipagpulong tayo kay Kalihim Alfredo Pascual ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya upang siguraduhin ang mas abot-kayang presyo ng abono o pataba na gamit ng ating mga magsasaka ,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng OP na ginagawa ni Pangulong MArcos ang lahat “to secure the food supply in the country.” Kris Jose