Fetus sa supot natagpuan sa Tondo

Fetus sa supot natagpuan sa Tondo

January 24, 2022 @ 2:52 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakalagay sa isang supot ang fetus  nang matagpuan ito ng isang residente na iniwan sa isang tabi sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Josephat Ibanez, janitor at residente ng 1247 Yuseco St.(Riverside) sakop ng Brgy., 223, Zone 21 Tondo, alas 10:25 ng umaga nang mapansin nito ang nasabing plastic bag malapit sa kanyang kinatatayuan sa  kahabaan ng Yuseco St , na masangsang ang amoy.

Nagtaka ito kaya maingat niyang binuksan ang plastic bag at tumambad ang isang babaeng fetus na tinatayang nasa walo hanggang siyam na buwan at nakakabit pa ang kanyang pusod o umbilical cord.

Agad namang ipinagbigay alam ni Ibanez ang kanyang nakita sa mga awtoridad.

Iniimbestigahan na ng MPD-Homicide Section kung sino ang ina ng fetus at responable sa pagtatapon nito. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)