FEU varsity, pinsan patay sa NPA mine blast sa Masbate

FEU varsity, pinsan patay sa NPA mine blast sa Masbate

June 7, 2021 @ 7:17 AM 2 years ago


LEGAZPI CITY – Nagluluksa ngayon ang Far Eastern University (FEU) community sa pagkasawi ng kanilang booter o football player kasama ang pinsan nito, at ikinasugat pa ng isang menor de edad dahil sa pagsabog ng bombang itinanim umano ng New People’s Army sa Masbate, Linggo.

Sa pahayag ni Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5 (PRO-5), nangyari ang insidente sa Purok 4, Barangay Anas na ikinasawi ni FEU varsity player Keith Absalon, 21, at pinsang Nolven Absalon, 40.

Sugatan naman si Chrisbin Daniel Absalon, 16, anak ni Nolven, at ngayon ay ginagamot na sa Masbate Provincial Hospital.

Ayon sa pulisya, sumabog ang isang anti-personnel land mine na nadaanan ng mga biktima habang nakasakay sa bike.

“Based on the investigation, the victims were cycling with their family and relatives going to Barangay B. Titong in the town proper,” ani Calubaquib.

Kinondena naman ng PRO 5 ang insidente.

“Ang insidenteng ito ay isa namang malinaw na patunay sa makasariling pilosopiya ng mga NPA, karahasang walang pinipiling tao, lugar o edad. Ang PNP Bicol ay kaisa ng bawat pamilyang Bicolano upang tuldukan ang limang dekadang pananakot at pagkitil sa mga buhay ng mga inosenteng mamamayan,” ani Brig. Gen. Jonnel Estomo, PRO-5 director.

Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay at mga nagdalamhati sa pagkasawi ng football player.

“We are all still very much in shock,” ani FEU football program head Vince Santos.

“The FEU Tamaraw Community is deeply saddened by the passing away of Kieth Absalon of the FEU men’s football team. Kieth started his football journey with FEU as a 13-year-old, seventh grader in 2013 and became one of the best high school players in UAAP football history. Kieth’s toughness on the field and constant smiles off will truly be missed by his brothers in the men’s football team and the entire FEU community,” saad ng FEU sa Facebook. RNT