FIBA 3X3: PH Girls team sasabak sa Asia Cup U17 tilt sa Malaysia

FIBA 3X3: PH Girls team sasabak sa Asia Cup U17 tilt sa Malaysia

October 13, 2022 @ 8:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa  Malaysia ang national 3×3 women’s team para sumagupa sa sa FIBA ​​U17 3X3 Asia Cup 2022.

Binubuo ang koponan nina BJ Villarin at Camille Nolasco — dalawang pangunahing miyembro ng under-18 team na nanalo ng bronze medal sa katatapos na torneo ng Asia Cup — sina Ari delos Santos at Nicole Pring.

Sisimulan ng mga Pinay ang kanilang kampanya ngayon araw laban sa Hong Kong sa ganap na alas-2:50 ng hapon, na susundan ng laban kontra Thailand sa alas-4:10 ng hapon. sa parehong araw.

Si Delos Santos ay isang standout ng Adamson University High School, habang si Pring ay gumaganap para sa National University Nazareth High School.

Makakasama nila sina Villarin at Nolasco, dalawang pangunahing manlalaro ng Gilas Pilipinas girls team, na dalawang puntos ang layo sa paglalaro sa gold medal game sa katatapos na FIBA ​​Asia under-18 tournament.JC