FIBA – Nagpahayag ng labis na pagsisisi ang Australian player na si Daniel Kickert sa pagiging parte ng nangyaring gulo sa pagitan ng kanyang koponang Boomers at ng Gilas Pilipinas sa qualifying game noong Lunes sa Philippine Arena.
Matatandaang inakusahan si Kickert ng Gilas na nagsimula ng pag-iinitan ng dalawang koponan noon pa lamang warm-up.
Bukod dito, ang kanyang paniniko kay Gilas player Roger Pogoy sa huling apat na minuto ng 3rd quarter ang siyang naging hudyat ng nangyaring rambulan sa arena.
“I think I overstepped a little bit with my response to the escalation in the game,” pag-aamin ng 35-anyos na Boomer star pagkalapag nito kasama ang koponan sa kanilang bansa kaninang umaga.”I regret those things.”
“I was put in a position I think where I obviously made an action which is regrettable, and unfortunate,” dagdag pa nito. “It… would have been a good win, I think, it ended poorly with a bit of a controversial issue, obviously.”
Kuwento pa ni Kickert, ang paniniko niya kay Pogoy ay dahil na rin sa mga narinig niyang insulto kay Chris Goulding.
Si Goulding at Kickert ay kabilang sa mga inalis sa laro kasama ang dalawa pa nitong teammate habang siyam naman na Gilas players ang nalagas sa Pinas.
Hinahayaan na niya ang desisyon sa FIBA management kung ano ang nararapat na gawin sa nangyaring insidente.
“I’m gonna let FIBA do everything they need to do to take the time, go through the process and come to the answers they see fit and bring down the sanctions that they bring down,” pahayag ng Aussie player.
“I’m gonna step back and let FIBA do what they wanna do.”
Nakabalik na sa kanilang bansa ang Boomers kasunod ng naganap na insidente sa kanilang qualifying game kontra Gilas. (Remate News Team)