FIBrawl: Fajardo, nanatiling cool lang sa gitna ng gulo

FIBrawl: Fajardo, nanatiling cool lang sa gitna ng gulo

July 4, 2018 @ 6:08 PM 5 years ago


FIBA – Sa gitna ng rambulan, suntukan, at batuhan ng upuan sa Philippine Arena noong Lunes, nanatiling cool lang sa court sina Gabe Norwood, Base Amer at June Mar Fajardo.

Dahil dito, sila ang mga natirang player para tapusin ang laro kontra sa lima pang natira sa Australia Boomers.

Sa isang private dinner, ikinuwento ni Fajardo kung bakit hindi siya sumali sa mala-jungle na gulo noon sa court.

“Sorry for what happened. We didn’t expect that to happen,” malumanay na paumpisa ni Fajardo.

“You all see what I did. Of course, not in every situation you’ll condone…”

Dagdag pa ni Fajardo, nang nagsimula ang komosyon, nakatingin pa rin siya sa score board.

“Because that’s what my parents always told me – ‘If you can avoid a mess, avoid it because you might regret it later on,'” pagbabahagi ng player.

Bukod dito, mas binigyang importansya ng four-time PBA MVP ang pagpapatuloy sa laro kaya hindi na ito sumali pa sa gulo.

“For me, it was an opportunity for us to improve. Because we prepared hard for it and it was a good opportunity for us,” dugtong nito.

Sa kabila ng lahat, nagpasalamat pa rin si Fajardo dahil nakita niya ang tunay na kapatiran sa kanyang koponan.

“I’m really proud that I’m a part of this group,” ani Fajardo.

Sa ngayon ay mananatili muna ang Gilas na tahimik hanggang lumabas na ang desisyon sa FIBA management. (Remate News Team)