Manila, Philippines – Nangibabaw ang emosyon na nauwi sa rambulan ang laban ng Gilas Pilipinas at Australia sa kalagitnaan ng laro sa 2018 FIBA World Cup sa Philippine Arena noong Lunes ng gabi.
Aminado ang Gilas Pilipinas forward na si Japeth Aguilar, isa sa mga napaalis sa laro matapos ang rambulan, na ang ginawa niya at ng kaniyang mga kasamahan ay “regrettable.”
Sinabi rin ni Aguilar na hindi sana nangyari ang gulo kung hindi nila pinairal ang emosyon sa laban.
“The incident last night could have been dealt differently but emotions were running high. In the heat of the moment, we just wanted to protect our brother,” sinabi ni Aguilar sa kaniyang Twitter account.
“I admit that we acted on emotion rather than logic and this is regrettable because the situation could’ve been pacified and could’ve ended differently.”
Sinabi rin niya na ang pagiging parte ng national team upang kumatawan sa bansa at sa mga Pilipino ay isang responsibilidad.
“How we acted last night is not a just representation of the Filipino people,” dagdag niya pa.
Samantala, sa 12 na miyembro ng Gilas, tanging si team captain Gabe Norwood, si four-time PBA MVP June Mar Fajardo at si Baser Amer lamang ang nanatiling kalmado sa kasagsagan ng rambulan.
“Unfortunate series of events that took place tonight. Heat of the battle and emotions won out, but in the end we strive to show the best of who WE are,” sinabi naman ni Norwood sa kaniyang Twitter.
Nag-sorry rin sa social media ang iba pang miyembro ng Gilas na sina Gilas center Andray Blatche at star guard Jayson Castro tungkol sa naturang insidente.
“I wanna apologize to my teammates and the Australia team for my wrongdoings. I have a son and that’s not what I want him to follow behind,” sabi ni Blatche sa kaniyang Instagram account.
Isa si Blatche sa mga tumaliwas sa komento ng dating Gilas captain na si Jimmy Alapag na nagsabi sa tweeter na ang isidente ay “embarrassing,” ngunit ngayon ay tila nalinawan na at kumalma na sa nangyari.
Si Castro naman na nakitang sumusuntok sa isa sa mga Australian players kalaunan rin ay nagsabi n ang kanilang ginawang pagtatanggol sa kanilang team member ay lalo lamang nagpalala sa sitwasyon.
“I’m not that kind of person. Filipinos are not that kind of people. I should’ve controlled my emotions because we carry the name of the country when we’re playing for Gilas,” sabi ni Castro sa kaniyang Instagram post.
Sinabi pa ni Castro na gusto niyang maging magandang ehemplo sa mga bata lalo na sa kaniyang sariling anak at nangako pang hindi na siya muling masasangkot sa ganoong klase ng insidente.
Humingi rin ng tawad ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa, “having breached the bounds of traditional Filipino hospitality.” (Remate News Team)