FIFA, nagtalaga na ng legal counsel para aksyunan ang piratang sports channel

FIFA, nagtalaga na ng legal counsel para aksyunan ang piratang sports channel

July 12, 2018 @ 10:29 AM 4 years ago


 

Nagtalaga na ng legal counsel ang FIFA, soccer governing body, sa Saudi Arabia laban sa isang television channel na beoutQ dahil sa iligal nitong pagbro-broadcast ng 2018 World Cup.

Nagbanta ang FIFA noong nakaraang buwan na kasalukuyan silang naghahanap ng kaukulang aksiyon laban sa beoutQ kung saan inere nito ang opening games ng soccer tournament na nangyari sa Russia.

Sabi ng Saudi Arabia, ang beoutQ ay hindi nakabase sa kanila at walang humpay ding tinututulan ang mga aktibidad ng naturang channel at nangako pang puprotektahan nila ang international property rights.

“FIFA has observed that the pirate entity named ‘beoutQ’ continues to use illegally the 2018 FIFA World Cup™ broadcast signal,” sabi ng FIFA sa isang statement.

“Accordingly FIFA has engaged counsel to take legal action in Saudi Arabia and is working alongside other sports rights owners that have also been affected to protect its interest.”

Samantala, hindi naman mahingan ng komento ang BeoutQ at hindi rin malinaw kung sino ang may-ari o kung sino ang nagpapatakbo sa channel.

Ang Qatar-based beIN Sports ang natatanging may karapatan na mag-broadcast ng World Cup sa Middle East at North Africa. Ito ay naka-block sa Saudi Arabia sa ilalim ng trade at diplomatic boycott na ipinatupad ng Qatar isang taon na ang nakalilipas.

“FIFA urges the authorities of Saudi Arabia and of the different countries where these illegal activities have been observed to support us in the fight against piracy,” sabi pa sa statement. (Remate News Team)