Fil-Am artist Olivia Rodrigo, inulan ng nominasyon sa American Music Awards!

Fil-Am artist Olivia Rodrigo, inulan ng nominasyon sa American Music Awards!

November 2, 2021 @ 1:06 PM 4 weeks ago


Los Angeles, USA – Ang 18 years old na Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo ang may pinakamaraming nominasyon sa nakatakdang American Music Awards.

Pito lahat ang nominasyon n’ya para sa debut album n’yang “Sour.” Kabilang sa mga ito ang Artist of the Year, New Artist of the Year, at Favorite Female Pop Artist.

Ang “Sour” ay nominated din bilang Favorite Pop Album samantalang ang kauna-unahan n’yang hit song na  Driver’s Lisence ay nominado bilang Favorite Trending Song at Favorite Music Video.

Kabilang sa top contenders sa iba’t ibang kategorya sina Taylor Swift, Ariana Grande, at ang K-pop boys na BTS.

May dalawa pang  Filipino-American singers na nominado. ‘Yung isa ay si Bruno Mars bilang producer ng grupong Silk Sonic with Anderson Paak na nominado bilang  Favorite Pop Duo/Group. Ang kanta nilang “Leave the Door Open” ay nominado rin sa mga categories na Favorite R&B Song at Favorite Music Video.

Ang Filipino-American rapper na si Saweetie, ay nominado bilang Favorite Female Hip-Hop Artist. Sikat na sikat si Saweetie sa Amerika at kakapili pa lang sa kanya na maging host ng 2021 MTV European Music Awards.

Nakatakda itong idaos sa Los Angeles sa Nov. 21. Danny Vibas