Fil-Am figure skater Frank 23rd place sa Hungary tilt

Fil-Am figure skater Frank 23rd place sa Hungary tilt

December 12, 2021 @ 12:11 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nagtapos si Filipino-American figure skater Sofia Frank na 23rd place sa katatapos na 15th Santa Claus Cup.

Ito’y matapos na mabigo ang 16-anyos na si Frank sa kanyang triple lutz-triple toe loop combination sa torneo na ginanap sa Budapest, Hungary.

Nagwagi sa kumpetisyon si Nina Pinzarrone ng Belgium sa pinagsamang iskor na 63.67 points.

Si Frank, naging 5th place sa 2021 Tallinn Trophy sa Estonia noong nakaraang buwan, ay nakalikom ng puntos na 24.09 sa kumpetisyon.