Fil-Am figure skater Sofia Frank pasok sa Junior World Championships

Fil-Am figure skater Sofia Frank pasok sa Junior World Championships

October 3, 2022 @ 3:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Muling sasabak si Filipino American figure skater Sofia Frank sa World Junior Figure Skating Championships.

Pumuwesto ang 16-anyos na Fil-Am sa 16th place sa 49 na kalahok sa Isu Junior Grand Prix sa Gdnask, Poland upang makwalipika sa Junior World Championship.

Nakakuha ang may hawak ng record ng Pilipinas na si Frank ng 92.76 sa kanyang free skate, at 49.99 sa short programa para sa kabuuang 142.75.

Gaganapin ang junior world championship sa susunod na taon sa Pebrero sa Calgary, Alberta, Canada.

Nitong simula ng taon, nalaglag si Frank ang ika-22 sa Junior World Championships.Rico Navarro