Fil-Am Mana Martinez talo via UD sa UFC 285

Fil-Am Mana Martinez talo via UD sa UFC 285

March 6, 2023 @ 4:43 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi napakinabangan ng Filipino-American bantamweight na si Leomana “Mana” Martinez ang isang malakas na unang round laban kay South African Cameron Saaiman, kaya nabigo via sa unanimous decision sa UFC 285 noong Linggo sa UFC Apex sa Las Vegas.

Nagpaulan si Martinez ng maraming strike habang pinapanatili ni Saaiman ang atake sa pamamagitan ng mga sipa sa paa. Tinamaan ng huli si Martinez ng dalawang beses sa bahagi ng singit, na nagresulta sa pagbabawas ng puntos at mahigpit na babala mula sa referee na si Herb Dean. Pagkatapos ng isang minutong paghinto, nagpatuloy ang laban.

Nang maglaon, isang sundot ng mata ni Saaiman ang nagdulot ng panibagong paghinto, ngunit walang point deduction. Sa buong laban, si Saaiman ang aggressor habang si Martinez lagi lang kuma-counter.

Kung nakapuntos si Martinez ng ng marami pang suntok maaari sanang mauwi ang laban sa draw. Bumagsak si Martinez sa 10-4-0 habang si Saaiman ay umakyat sa 8-0.JC