Fil-Am Miller target ang gold sa Winter Games

Fil-Am Miller target ang gold sa Winter Games

January 23, 2022 @ 4:58 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Bago pa man sumabak ang Filipino-American Olympic skier na si Asa Miller at hawak ang inaasam na momentum sa  Beijing Winter Games sa Pebrero, inamin nito na inspirado siya sa hatid na kauna-unahang Olympic gold medal na hawak ni weightlifter Hidilyn Diaz.

Sa isang virtual press conference, nabanggit ni Miller na tunay niyang hinahangaan at ipinagmamalaki niya si Diaz nang masungkit ng tubong-Zamboanga ang gintong medalya matapos ang 97 years na pagsabak ng Pilipinas sa Olimpiyada.

“Super inspirational, wow. I don’t have the same expectations for myself in the competition. I definitely want to show my improvement and improve my placement in the upcoming Games compared to how I did in 2018. It’s a huge inspiration and I’m super happy about that,” saad ni Miller.

Pinag-iibayo umano ni Miller, na ang ina na si   Polly ay tubong Sta. Cruz, Manila ang kanyang porma at laro mula nang tumapos siyang 70th sa may 110 kalahok sa Giant Slalom noong 2018 Pyeongchang Winter Games.

“I don’t have any placement expectations. I do expect myself to improve my placement from the last Winter Games,” saad ng  alpine skier.

Pagdating sa preparasyon sa  Beijing Games, sinabi ni Miller na wala siyang gaanong problema sa kabila ng may kinakaharap na COVID-19 pandemic dahil ang skiing ay isa namang outdoor sport.

Nage-ensayo siya sa slopes ng Utah at “pretty easy” ang kanyang praparasyon.