Fil-Am na dating PBA star player, purdoy na?

Fil-Am na dating PBA star player, purdoy na?

January 29, 2022 @ 10:15 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Hindi umano totoo na naghihirap ang Fil-Am na dating PBA star player matapos itong bitiwan ng kanyang mahinang koponan.

Napunta ang player sa gasolinahan na koponan, pero hindi umano ito nagtagal at binitiwan rin siya ng management dahil marami siyang ka position at hindi nagagamit

Wala naman katotohanan na nagkaka-interes sa kanya ang isang sikat na team na nais itong kuhanin at hanggang tsimis lamang ang lahat.

Ilang buwan na walang pinaglalaruan ang player, at walang kita lalo na pandemic, kaya napapabalitang naghihirap na ito subalit, ang katotohanan kahit hindi maglaro ng basketball ang player ay mabubuhay ito.

Katunayan nakabili ito ng Isang beach resort bandang Norte at ito  mismo  ang nagmamahala. Meron din itong restaurant na nasa Norte na  kasalukuyan itong nire renovate.

Balak pa nga ng player na bumili ng kanyang bahay na  maalapit sa kanyang negosyo upang di ito mahirapan pauwi uwi ng Manilla.

Walang umanong katotohanan na naghihirap ang Fil-Am player dahil  nakapag-ipon ito  ng datung para sa kanyang pamilya. Naging wais si player, sapagkat alam niya na ang basketbol ay may hangganan. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel