Fil-Am patay sa Monterey Park massacre – PH Consulate

Fil-Am patay sa Monterey Park massacre – PH Consulate

January 24, 2023 @ 2:52 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Isa ang 68-anyos na Fil-Am sa 11 patay sa Monterey Park, California kasunod ng pamamaril sa Lunar New Year party nitong weekend.

Kinumpirma ito ng Philippine Consulate General sa Los Angeles nitong Martes at kinilala ang biktima na si Valentino Alvero.

Inihayag ng konsulado ang “shock and great sadness over the mass victims.”

“Our prayers go out to the families of the victims and we mourn with them during this lunar new year festival, which is supposed to be a time of gathering and celebration,” dagdag nito.

Sinabi rin nito na naiintindihan ang kagustuhan ng pamilya Alvero para sa privacy at space, subalit tiniyak na ito ay “ready to assist them in whatever possible way.”

Patay ang 11 indibidwal na kapwa 50-anyos pataas habang siyam ang sugatan sa mass shooting sa isang dance studio sa Monterey Park, na isang malaking Asian American community, batay sa ulat.

Kinilala ng mga awtoridad ang gunman na si Huu Can Tran, isang 72 taong gulang na Chinese immigrant na may  limited criminal history, kabilang ang pagkakaaresto noong 1990 para sa unlawful possession of a firearm.

Inilawan siya bilang interesado sa sayaw at mabilis magalit. Hindi pa natutukoy ang motibo niya sa pagpatay.

Wala pang isang araw matapos maganap ang massacre at kasunod ng standoff sa mga pulis, namataan ang suspek na patay sa loob ng isang van na may “self-inflicted gunshot wound”, batay sa mga awtoridad.

Nanawagan naman ang Philippine Consulate sa Filipino community na mag-ingat at maging mapagbantay.

“Immediately report any suspicious activities to local law enforcement and watch out for each other,” anito. “Let’s stay safe.” RNT/SA