Fil-Am senior hinataw ng e-scooter sa ulo, patay!

Fil-Am senior hinataw ng e-scooter sa ulo, patay!

October 10, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang Filipino-American senior citizen sa Highland Park, California matapos hatawin sa ulo ng mga kabataan na nagnakaw ng beer mula sa tindahang pinagtatrabahuhan niya.

Ayon sa ulat nitong Linggo, hinabol ng 69-anyos na si Steven Reyes ang mga magnanakw, na inihataw naman sa kanyang ulo ang isang electric scooter.

Iniwanan siya ng mga suspek sa kalsada at agad na tumakas. Natagpuan si Reyes at isinugod sa ospital, subalit binawian din ng buhay dahil sa natamong injury.

Kasalukuyang hawak ng Los Angeles Police Department ang kaso, na hawak din ang security camera footage na gagamitin upang matukoy ang apat na suspek. Nakikipagtulungan din umanoa ang mga saksi sa insidente.

Ayon sa anak ni Reyes na si Nelle, ipaglalaban ng pamilya ang hustisya.

“Just why? Was the six-pack of beer really worth it amongst you guys?” tanong niya.

“I just hope that they realize what they did and I really hope that this event would just change their life and I just wish them nothing but remorse and forgiveness,” dagdag niya.

Nanawagan naman ang Philippine Consulate sa New York noong Hunyo sa mga Pilipino na manatiling mapagbantay, kahit pa bumaba na ang bilang ng hate crimes laban sa Asians. RNT/SA