Fil-Am skier Asa Miller mas pinatindi ang ensayo sa Beijing

Fil-Am skier Asa Miller mas pinatindi ang ensayo sa Beijing

February 7, 2022 @ 10:39 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Mas  tinaasan pa ni Filipino skiier Asa Miller ang level ang ng kanyang ensayo habang hindi pa nagsisimula ang larong lalahukan nito sa ginaganap na Winter Olympics sa Beijing China.

Ayon kay Miller, natapos na nito ang isang full routine training nitong Linggo na kanyang panglimang ensayo mula ng makarating sa Yanquing, China noong isang linggo.

“Maganda ang takbo ng aking ensayo at wala na akong nararamdamang anomang sakit sa katawan,” ani ng 21-anyos na si Miller sa interview ng media.

Aminado si Miller na malaking hamon sa kanya ang alpine skiing dahil ang height niya ay 5-foot-8.

Problema din umano na hindi gaanong nag-yeyelo sa Beijing kaya kinailangan pa ng mga organizers na gumawa ng snow mula sa kanilang snowmaking equipment.

Sasabak sa Miller, nag-iisang pambato ng Pilipinas, sa torneo sa darating na Pebrero 13.Rico Navarro