Fil-Am sprinter Knott, target ang Olympics

Fil-Am sprinter Knott, target ang Olympics

October 17, 2020 @ 9:35 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Target ni Filipino-American Sprinter Kristina Knott na makapasok sa naunsiyameng 2020 Tokyo Olympics na nailipat sa susunod na taon matapos nitong basagin ang matagal ng record ni sprint legend Lydia De Vega.

Matatandaang noong Agosto ay giniba ni Knott ang 33-anyos na national record ni De Vega sa women’s 100-meter dash na tumipa ito ng 11.27 seconds sa 2020 Drake Oval Showcase meet sa Iowa.

Ayon sa ulat, hawak din ni Knott ang national record  sa 200-meter sa oras na 23.01 seconds na naitala nito noong 2019 Southeast Asian Games.

Sa ginanap na TOPS Usapang Sports, sinabi ni Knott na karangalan para sa kanya  ang dalhin ang bandila ng Pilipinas sa mga international competition lalong-lalo na sa Olympics.

“It’s an honor to get the torch passed to me especially from legend like Lydia De Vega,”  ani ng 25-year-old  na sprinter sa ginawang interview ng mga miyembro ng TOPS na binubuo ng mga editor ng iba’t ibang national tabloids ng bansa, reporters,  photographers at iba pa.

Ibinahagi ni Knott na tila uhaw siya sa mga kompetisyon lalo pa at nahinto ang pag-inog ng sports sa pagsiklab ng coronavirus pandemic.

“I feel like I still have a lot left in the tank.  I just need the competitions so I can release the beast,” ani Knott.

Ang TOPS Usapang Sports ay suporta ng Games and Amusement Board, Philippine Sports Commission at PAGCOR. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...