Fil-Am Striegl muling nakalasap ng KO sa UFC

Fil-Am Striegl muling nakalasap ng KO sa UFC

February 20, 2022 @ 10:38 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Muling nakalasap ng pagkatalo via knockout si Filipino-American mixed martial arts fighter Mark Striegl sa UFC, sa pagkakataong ito laban kay Chas Skelly sa prelims ng UFC Fight Night sa UFC APEX sa Las Vegas, USA.

Ang 33-taong-gulang na sina Striegl at Skelly ay nagpalitan ng mga strike sa simula ng laban ngunit ang laban ay napunta ground fight  kung saan ipinakita ng huli na siya ang mas mahusay na grappler sa kanila.

Ang scuffle ay nagdulot ng pinsala kay Striegl, kung saan siya ay tila pagod na patungo sa susunod na round.

Si Striegl, na natalo sa loob ng 51 segundo sa kanyang debut sa UFC, ay nagpasyang tumayo at muling makipagsapakan sa ikalawang round.

Nakapagpatama siya ng isang left straight na hindi ininda ni Skelly.

Rumesbak si Kelly at nagpakawala ng knee strike na nagpabagsak sa Fil-Am sa canvas.

Habang nasa canvas, kumana si Skelly ng sunud-sunod na suntok na nag-udyok sa referee na ihinto ang laban sa tiyempong 2:01 sa round two.

Ang panalo ay nagpabuti ng rekord ni Skelly sa 19-3 habang si Striegl ay nahulog sa 18-4.