Fil-Chinese Cui nagbitiw sa pwesto bilang ONE CEO

Fil-Chinese Cui nagbitiw sa pwesto bilang ONE CEO

February 2, 2022 @ 2:25 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang nilayasan ni ONE Championship CEO na si International Victor Cui ang nangungunang martial arts promotion ng Asya.

Ibinalita ang kanyang pag-alis noong Lunes ni ONE Chairman at CEO Chatri Sityodtong sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Ayon sa ulat, si Cui ay sumali sa kanyang hometown football team, ang Edmonton Elks FC, bilang Presidente at CEO nito.

“Ang puso ko ay puno ng nostalgia at kalungkutan na makita siyang umalis, ngunit puno rin ito ng saya at kaligayahan na muli niyang habulin ang isa pang malaking pangarap,” ani Sityodtong.

“In many ways, it is the mysterious circle of life at play. As a child, Victor grew up in Edmonton as a big fan of the Edmonton Elks and now he gets to run the entire organization and give back to his cherished hometown,” dagdag pa nito.
Si Cui ay isang mahalagang miyembro ng ONE Championship noong mga unang araw nito. Paborito ng media, madalas siyang naroroon sa mga press conference at laban para dumalo sa press at mga manlalaban. Siya rin ang responsable sa pagpirma sa mga pioneer ng Team Lakay sa ONE Championship.

Habang tinalikuran ni Cui ang kanyang tungkulin bilang CEO International, sinabi ni Sityodong na ang Filipino-Chinese ay nananatiling shareholder ng kumpanya at bahagi ng board of advisors nito.

“Tiwala ako na magtatagumpay si Victor sa kanyang bagong tungkulin tulad ng ginawa niya sa lahat ng kanyang tungkulin sa ONE. Si Victor ay isang pambihirang pinuno na may pusong ginto,” ani Sityodtong.

“Mayroon ding standing job offer si Victor na bumalik sa ONE anumang oras sa hinaharap kung kanyang nanaisin. Siyempre, nananatili rin siyang makabuluhang shareholder ng ONE. Walang alinlangan, mami-miss namin lahat si Victor sa ONE.”JC