Fil-Italian Ruben Soriquez, wagi sa Accolade Global Film Competition

Fil-Italian Ruben Soriquez, wagi sa Accolade Global Film Competition

July 11, 2020 @ 2:12 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patuloy ang pag-arangkada ng magaling at premyadong Fil-Italian actor-director na si Ruben Soriquez sa international scene.

Kamakailan lang, nagwagi ang kanyang pelikulang “The Spider’s Man” ng major awards sa prestihiyosong Accolade Global Film Competition na ginanap sa Los Angeles, California sa Estados Unidos.

Nanalo siya ng best supporting actor at best director sa nasabing black comedy na kanya ring iprinudyus.

Nag-uwi rin ang nasabing obra ng best feature film award at best actor trophy para sa lead actor nitong si Richard Quan.

Kasama rin sa cast ng pelikula sina Lee O’Brian, Jeffrey Tam, Rob Sy, China Roces, Miko Penaloza, Lanie Gumarang, Red Ibasco, Hutch Perales, CJ Domasig at Kim Soriquez.

Ang The Spiders’ Man ay isang black comedy/crime film na tumatalakay sa kahalagahan ng pagkakaibigan at pamilya.

Ito ay kasalukuyang idini-distribute ng Leomark Studios sa buong mundo.

Napili rin itong mag-compete sa Asia Pacific International Filmmaker Festival and Awards 2020 sa Jakarta, Indonesia.

Si Soriquez ay unang napansin ng mga kritiko sa pelikulang “Of Sinners and Saints” kung saan nagwagi siya bilang best actor sa kauna-unahang World Premieres Film Festival noong 2015.

Napamahal din siya sa mga Pinoy sa pamamagitan ng kanyang karakter na mabait na padrasto ni Liza Soberano sa hit Kapamilya teleseryeng “Dolce Amore.”

Sa kasalukuyan, may ginagawang documentary feature si Soriquez tungkol sa impact ng Covid-19 pandemic sa buong mundo.

Malapit na rin siyang mapanood sa Italian thriller na “Entrapped” na nakatakdang magkaroon ng world premiere sa Italy. Chikka Pa More | Archie Liao


Loading...