FiLay supporters, inokray si Barbie!

FiLay supporters, inokray si Barbie!

March 10, 2023 @ 4:00 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi apektado ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto sa pagsikat ng FiLay loveteam ng aktres at ni David Licauco dahil sa Maria Clara at Ibarra.

Ang naging isyu ay ang pagpo-post nina Barbie at Jak sa Instagram ng mga larawan nila na magkasama dahil nagtampo ang ilang FiLay fans. Na-bash sina Barbie at Jak.

Hindi raw nakikisama si Barbie at may nagalit na isang FiLay fan na kung saan sinabihan ang aktres na hindi na ito magiging superstar dahil mas pinipili ang lovelife kesa career.

Ang ginawa nina Jak at Barbie ay in-off ang comment box sa Instagram nang i-post ang vlog ng kanilang date para wala nang makapag-comment at hindi na sila ma-bash.

Kamakalawa ay ipinost pa nina Jak at Barbie ang kanilang monthsary date. Open ang comment box pero limitado ang makakapag-comment. Ayun, walang makapag-comment sa kanilang “Monthsary Ramen Date”.

Tanong ng ilang fans ay kung hanggang kailan tatagal na sarado ang comment box ng IG nina Barbie at Jak. Sabi nga ng mga nagmamahal at die hard fans ng JakBie, mabubksan ang comment box kapag natangggap na ng ilang FiLay fans na si Jak ang boyfriend ni Barbie at si David ay ka-loveteam lang.

Samantala, nagpa-thanksgiving fans day ang FiLay love team sa kanilang mga fans sa Activity Center ng Ayala Mall Cloverleaf. Gerry Ocampo