FiLay, tutulak pa-Austria; relasyong JakBie, nanganganib!

FiLay, tutulak pa-Austria; relasyong JakBie, nanganganib!

March 19, 2023 @ 11:48 AM 1 week ago


Manila, Philippines – The most basic impression is that pag gumawa ng pelikula sina Barbie Forteza at David Licauco ay matik na ang GMA Pictures ang producer niyon.

Ang GMA Pictures ay ang aktibong film arm ng TV network.

After all, ang nagpasikat naman sa tambalang Barbie at David ay ang natapos nang fantasy historical portal ng GMA na Maria Clara at Ibarra.

Doon isinilang ang tandem na FiLay which stands for Fidel at Klay na ginampanang karakter nina David at Barbie, respectively.

Sumikat ang nasabing tambalan to the point na may mga netizens na gustong sila ang magkasintahan, bagay na inalmahan ng kapatid ni Barbie.

Taken na raw kasi ang aktres whose real-life boyfriend ay si Jak Roberto.

Anyway, going back to Barbie and David, balitang hindi ang GMA Pictures ang mamumuhunan sa kanilang pelikula kundi ang OctoArts Films.

Wala pang gaanong detalye tungkol sa pelikula except that sa ibang bansa raw nakatakda ang shoot.

Nabanggit nina Barbie at David na meron silang gagawing pelikula to be shot in Vienna, Austria.

Mukhang doon nga sa nasabing European country ang location ng first ever partnership nila on the giant screen.

Kaso’y bakit ibang film company ang magpoprodyus nito gayong aktibo naman ang GMA Pictures?

Bakit pumayag ang GMA na ibang film outfit ang makinabang sa pinagpaguran nila?

Isn’t this a clear case of ang GMA ang nagtanim at nagsaing pero iba ang kumain?

One thing’s for sure din, mas lalong titindi ang tsismis kina Barbie at David lalo’t sa malamig pang bansa sila magsu-shoot.

Kung ganoon, nanganganib ang relasyong JakBie! Ronnie Carrasco III