Filing period pinalawig ng SC hanggang Pebrero 1

Filing period pinalawig ng SC hanggang Pebrero 1

January 10, 2022 @ 6:28 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pinalawig ng Supreme Court ang filing period para sa lahat ng pleadings at iba pang court submissions sa Enero sa lahat ng korte hanggang Martes, Pebrero 1.

Sa isang administrative circular, sinabi ng SC na dahil ito sa nakaa-alarmang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) infections, epekto ng bagyong Odette, at hiling ng Integrated Bar of the Philippines.

Ngayong Lunes ay nakapagtala ang Pilipinas ng 33,169 bagong kaso ng COVID-19.

Sa kabuuan ay umabot na ito sa 2,998,530, kung saan 157,526 dito ay aktibo. RNT/SA