Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

March 10, 2023 @ 3:54 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.

Matatandaang kabilang  ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.

Sisipa ang FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20.

Ayon pa kay Samoura, kapuri-puri ang pagsabak ng mga bagong koponan dahil makakahikayat ang mga ito ng kabataan na pagbutihin ang mga sports na mapipili.RCN