Filipinas babawi kontra Scotland sa Pinatar Cup

Filipinas babawi kontra Scotland sa Pinatar Cup

February 17, 2023 @ 6:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng Philippine womens’ football team ng bansa na Filipinas babawi sila at magtatala ng panalo sa nagpapatuloy na Pinatar Cup sa Spain.

Matatandaang nalasap ng Filipinas ang unang pagkatalo sa kanilang debut game sa Pinatar Cap kontra sa Wales 1-0  noong Huwebes.

Susunod na makakalaban ng Filipinas ang Scotland sa  Sabado.

Sinabi ni Philippines coach Alen Stajcic na gumawa na siya ng mga adjustments para matugunan ang mga pagkukulang sa pagkatalo nila sa Wales.

Lumahok ang Pilipinas sa nasabing torneo bilang paghahanda para sa FIFA Womens’ World Cup na gaganapin sa New Zealand sa buwan ng Setyembre.JC