Filipino Community sa Southeastern states inalerto vs. hurricane Michael

Filipino Community sa Southeastern states inalerto vs. hurricane Michael

October 9, 2018 @ 1:48 PM 4 years ago


 

USA – Tinatayang nasa 232,000 kasapi ng Filipino Community mula sa limang bahagi ng Souteastern States ang inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay matapos gumawa ng kinaukulang paghahanda sa Hurricane Michael na inaasahang tatama sa lugar bukas, base sa ulat ng Philippine Embassy sa Washington.

Kabilang sa mga pinayuhan ay ang komunidad ng Alabama, Florida, Georgia, North Carolina at South Carolina.

Inatasan ang mga residente na matyagan ang paggalaw ng bagyo at sundin ang babala ng mga lokal na opisyal bagama’t nanatili sa category 1 ang hurricane.

Base sa prediksyon ng National Hurricane Center na si Michael, maaaring isang category 3 na may hangin na mula 111 hanggang 129 kph sakaling mag-landfall bukas araw ng Miyerkules.

Dapat na maghanda ang Pinoy ukol sa daluyong ng bagyo, malakas na pag-uulan, at buhawi na inaasahang tatagal hanggang Huwebes.

Patuloy naman ang gagawing monitoring ng embahada sa development at makikipag-ugnayan sa komunidad ng mga Pinoy sa nabanggit na mga lugar.

Ang mga Pinoy na maapektuhan ng nabanggit na delubyo na mangangailangan ng tulong ay pinayuhang makipag-ugnayan sa embahada at tumawag sa telepono bilang (202)368-2767. Beth Dominguez