Film distributor ng Plane, magpapadala ng bagong version sa MTRCB!

Film distributor ng Plane, magpapadala ng bagong version sa MTRCB!

February 24, 2023 @ 12:50 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nakatanggap ng sulat ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) galing sa film distributor ng Hollywood movie na Plane, ang Screen Media Films Co., informing the said agency that it had voluntarily pulled-out the film from public exhibition due to the controversy surrounding the objected scenes.

Ang Plane ay ang kontrobersiyal na pelikula ni Gerard Butler na inalmahan ni Senator Robinhood Padilla at ng iba pang senador dahil sa ilang eksena kung saan pinalalabas na nasukob na ng terorista ang ilang lugar sa Pilipinas at wala nang magawa ang mga Philippine officials.

While the Board was in the process of re-evaluating the film Plane in response to the objections raised by concerned groups ay gumawa na rin ng karampatang aksyon ang distributor ng pelikula.

In the same letter, the distributor manifested that it intends to provide the MTRCB with a new version of the film for appropriate review and classification.

Ayun naman pala. So kapag pumasa na sa panlasa ng MTRCB ang bagong materyales na ipapadala ng film distributor for review, malamang, maipapalabas na sa Pinas ang kontrobersiyal na Hollywood flick. JP Ignacio