Filming ng The Crown, tinigil!

Filming ng The Crown, tinigil!

September 12, 2022 @ 6:04 PM 3 weeks ago


United Kingdom – Sinuspinde ng Netflix ang pag-film sa British royal drama na “The Crown” matapos sumakabilang-buhay si Queen Elizabeth II.

“As a mark of respect, filming on ‘The Crown’ was suspended today,” saad ng Netflix spokeswoman.

Bukod dito, pansamantalang ititigil din nila ang filming sa araw ng libing ni Queen Elizabeth.

“Filming will also be suspended on the day of Her Majesty The Queen’s funeral.”

FYI, ang season 1 ng The Crown ay ipinalabas sa mismong araw ng kasal nina Queen Elizabeth at Prince Philip.

Sa kasalukuyan, nasa ika-anim na season na ang nasabing series. Paula Jonabelle Ignacio