Final consultation sa EPR Law ikinasa ng DENR-EMB

Final consultation sa EPR Law ikinasa ng DENR-EMB

November 28, 2022 @ 6:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Upang mabigyang solusyon ang problema sa basura ay nagsagawa ng final presentation ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB) ukol sa implementing rules and regulations (IRR) at national framework ng Republic Act 11898 o ang Extended Producer Responsibility (EPR) Act of 2022.

Ayon sa DENR, umabot sa halos 650 kinatawan mula sa non-government organizations (NGO), academe, sanitary landfill operators, training organizations, plastic industry association at corporations at local government units, ang dumalo sa final consultation na ginanap noong Nobyembre 3 sa Quezon City.

Ang DENR-EMB ang naatasan para gumawa sa IRR at framework sa loob ng 90 araw mula nang maging batas ang RA 11898 nitong Hulyo 23 ng kasalukuyang taon.

Sa pamamagitan ng EPR law, inaatasan ang malalaking kompanya na iproseso ang kanilang plastic packaging waste.

“We have conducted several focus group discussions and public consultation meetings for Luzon, Visayas, and Mindanao clusters during the past few weeks,” saad ni EMB Director William Cuñado.

“We were able to achieve the task of formulating the IRR and framework for the Extended Producer Responsibility Act in such a small amount of time with the help and support of all partners and stakeholders,” dagdag nito.

Kabilang sa mahahalagang tampok sa IRR ay ang probisyon ng karagdagang depenisyon ng mga termino tulad ng ECAR o ang EPR Law (2022) Compliance Audit Report, plastic waste footprint reduction, producer responsibility organizations (PROs), recyclable materials at waste diverters.

Idinagdag din ang tatlong kinatawan ng private sector na may track record o dalubhasa sa solid waste management o ang waste reduction; recycling at resource recovery; EPR; at hazardous waste management.sa National Solid Waste Management Commission.

Nagbigay din ang IRR ng step-by-step process ng EPR registration para sa ‘obliged’ enterprises, collectives at PROs na siyang isasama sa EPR program. Santi Celario