Final list ng Halalan 2022 candidates ‘di pa ilalabas sa Dis. 15

Final list ng Halalan 2022 candidates ‘di pa ilalabas sa Dis. 15

December 14, 2021 @ 7:42 PM 9 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na inaasahan ang paglabas ng pinal na listahan ng mga kandidato sa Halalan 2022 bago matapos ang buwan.

Binanggit ni Comelec spokesperson James Jimenez ang hindi pa nareresolbang nuisance cases bilang rason sa bagong petsa ng paglalabas ng listahan. Nauna na niyang ianunsyo na ilalabas umano ang naturang listahan sa Disyembre 15.

“The list of official candidates will not be released tomorrow as there are still a number of unresolved nuisance cases,” pahayag ni Jimenez.

“We expect that the process of finalizing the list of candidates will take at least two more weeks,” dagdag niya.

Nitong Martes, natapos na ng Comelec ang raffle sa pagkakasunod-sunod ng 166 party-list groups sa balota.

Gayundin, ngayong araw, binawi nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher “Bong” Go ang kani-kaniyang kandidatura sa pagka-senador at presidente, sa Halalan 2022.

Hindi naman tumugon si Jimenez sa tanong kung nakaapekto ba ang pagbawi nina Duterte at Go sa paglabas ng pinal na listahan ng mga kandidato. RNT/SA