Final testing, sealing ng 400 VCM sa Cavite poll, kasado na

Final testing, sealing ng 400 VCM sa Cavite poll, kasado na

February 19, 2023 @ 9:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na magkakaroon ng final testing at sealing ng 400 vote counting machines (VCMs) na gagamitin para sa special election sa ika-pitong distrito ng Cavite sa susunod na linggo.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, ito ay isasagawa ng Electoral Boards (EBs) ang aktibidad at gagawin sa Amaya Elementary School sa Tanza, Cavite alas-9 ngayong umaga, Pebrero 19.

Bubuksan lamang ang VCMs sa mismong araw ng botohan.

Gaganapin ang special polls sa munisipalidad ng Amadeo, Indang, at Tanza, gayundin sa Trece Martirez City.

Itinakda ang special elections sa nasabing distrito matapos maitalaga bilang Justice secretary si dating Rep. Jesus Crispin Remulla. Jocelyn Tabangcura-Domenden