Final VCM testing sa NY suspendido sa pagkaantala sa pagdating ng PH poll materials 

Final VCM testing sa NY suspendido sa pagkaantala sa pagdating ng PH poll materials 

April 7, 2022 @ 2:38 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Naiulat ng Philippine Consulate sa New York nitong Huwebes ang pagkaantala sa pagdating ng election materials, kung kaya’t suspendido ang nakatakdang testing at sealing ng vote counting machines (VCMs).

“Due to delays in the transport of the election materials for the 2022 Philippine National Elections, the Consulate General of the Philippines in New York informs the public that the scheduled Final Testing and Sealing of Vote Counting Machines (VCMs) on 07 April 2022 (Thursday) is hereby POSTPONED to a later date, which shall be announced by the Consulate once the election materials are received,” ayon sa consulate.

Subalit inimbitahan naman ng consulate ang mga miyembro ng Filipino community na makiisa sa virtual town hall sa susunod na linggo “to learn the steps on how to vote for this year’s national elections.” RNT/SA