Finance officer ng NPA, sumuko

Finance officer ng NPA, sumuko

July 22, 2021 @ 11:00 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

CAGAYAN VALLEY – Tuluyan ng tinalikuran at sumuko ang finance officer ng New People’s Army o NPA sa mga otoridad sa Brgy. Tamban, Alcala, Cagayan.

Pansamantala itinago sa pangalang Ka Benjie, Finance Officer, 64 anyos at naninirahan sa nabanggit na lugar ay kusang sumuko sa mga pinagsamang tauhan ng Alcala Police Station na pinangunahan ng hepe na si PLt. Orlan S Capili kasama ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, Cagayan PPO; 3rd Mobile Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company at PIT-Cagayan, RIU2.

Isunuko rin niya ang 55 piraso na bala ng M14 Rifle, 41 piraso na bala ng Cal .30 para sa M1 Garand Rifle; at limang piraso na  bala ng M16 Rifle.

Ayon Ka Gary na dati nang sumuko sa otoridad kung saan noong taong 1981 ay hinikayat sila ni aka Geron ng KomProb Cagayan, KRCV upang maging yunit support (YG). Dinala sila sa iba’t ibang lugar at nagsagawa ng mga lektura at mga pagpupulong, pakikipag-ugnayan sa Sto. Niño, at sa iba-ibang barangay ng Alcala West.

Inilantad niya na nagsilbi siya bilang Finance Officer ng yunit suport  ng itong taon, mula 1981 hanggang 1988 at naatasang bumili ng mga pagkain, panustos at iba pang mga amenities.

Ang pagsuko ng nasabing dating kasapi ng NPA o Community Terrorist Grouo (CTG) ay dahil sa iba`t ibang mga ginagawang Police Community related activities tulad ng Libreng Pabahay sa pamamagitan ng Lingkod Bayanihan program. Rey Velasco


  •  
  •  
  •